Ano-Anong Mga Pagpapahalaga Ang Naisabuhay Mo Na At Kailangan Mo Pang Malinang?
Ano-anong mga pagpapahalaga ang naisabuhay mo na at kailangan mo pang malinang?
Answer:
Ang mga pagpapahalagang naisabuhay ko na ay ang kasipagan at pagiging masigasig. Sa kabilang banda, ang mga pagpapahalaga na kailangan ko pang malinang ay ang tiyaga at pagiging malikhain.
Explanation:
Natatandaan na upang masabi na may kagalingan ang isang tao sa paggawa, kinakailangan niyang taglayin ang mga sumusunod na katangian:
- Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga (halimbawa: kasipagan, tiyaga, pagiging masigasig, pagiging malikhain, at pagkakaroon ng disiplina)
- Pagtataglay ng kakailanganing kakayahan
- Pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos
Para sa karagdagang kaalaman, narito ang iba pang detalye tungkol sa mga katangiang ito na kailangang taglayin upang masabi na may kagalingan sa paggawa ang isang tao: brainly.ph/question/2239524
- Ang mga pagpapahalaga na naisabuhay ko na ay ang kasipagan at pagiging masigasig. Ang kasipagan ay tumutukoy sa paggawa ng isang gawain nang walang pagmamadali at nang may pagmamahal. Ang pagiging masigasig naman ay ang pagtuon ng tamang atensyon at oras sa paggawa ng isang gawain. Sa pamamagitan nito, mas napapadali ang paggawa ng anumang gawain.
- Sa kabilang banda, ang mga pagpapahalaga na kailangan ko pang malinang ay ang tiyaga at pagiging malikhain. Ang tiyaga ay tumutukoy sa pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang at negatibong mga distraksyon. Ang pagiging malikhain naman ay ang pagiging kakaiba ng isang gawain na bunga ng mayamang pag-iisip.
Iyan ng mga pagpapahalaga na naisabuhay ko na at kailangan ko pang malinang.
Narito pa ang ibang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa:
- Bakit nga ba mahalaga na malinang ang kagalingan sa paggawa? Ano ang halimbawa nito? brainly.ph/question/1164517
- Paano nga ba makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkakamit ng kabutihang panlahat? brainly.ph/question/1147835
9.24.1.10.
Comments
Post a Comment