Ano-Ano Ang Mga Pagbabagong Nangyari Sa Panitikang Pilipino Mula Noong Unang Panahon Hanggang Sa Kasalukuyan Bakit Mahalagang Makilala Ang Mga Komposi

ano-ano ang mga pagbabagong nangyari sa panitikang pilipino mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan bakit mahalagang makilala ang mga komposisyong oular at ang paksang lumganapsa kasalukuyan

      Ang panitakan ay sumasalamin sa kultura at paraan ng pamumuhay ng tao. Sa makatuwid ipinapakita ang anyo ng lipunan at anyo ng tao sa nakaraan at kasalukuyang panahon.

Panitikan Noong Unang Panahon

     Ang panitikang nang unang panahon ay tumatalakay sa uri ng mga hanap buhay,  sistema ng pamahalaan, pagpapatulog ng bata, at pagtuligsa sa pamahalaang kastila.

     Ang mga manunulat noong una ay naglalayong ipakita ang ganda ng kalikasan at hanap buhay ng mga katutubong Pilipino. Tulad ng pagtatanim o pagsasaka ang pangunahing hanap buhay ng mga ito. Ang ibat ibang panig ng bansa ay kakikitaan ng ibat ibang paraan ng pakikipag ligawan at pakikitungo sa pamamagitan ng mga kultura at gawi ng mga ito.

   Sa paglaon ng panahon makikita ang mga bakas ng mga pananakop ng mga dayuhan. Ang sakit at dusa ay nakalathala sa mga sulatin. Ang kalagayan ng ekonomiya at mamamayan ay naging paksa. Makikita dito ang mga Pilipino bilang matitiyaga at masayahing tao na kahit sa kabila ng hirap ay patuloy na lumalaban para sa pagkamit ng kalayaan.

Modernong Panitikan

   Ang panitikan sa panahon ngayon ay kakikitaan ng pagsibol o pagsulputan ng mga makabagong salita. Ito marahil ay dala na ng kalayaan ng ating bansa. Malaya na tayong nakapaghahayag ng ating mga saloobin. Ang paraan ng paglathala ng panitikan ngayon ay maaring sa website/blog. Ang bawat may akda sa panahon ngayon ay naipapahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag gamit ang mga makabagong teknolohiya.

    Mahalagang makilala ang bawat panitikan na sumibol sa bawat panahon. Sapagkat ang panitikan ay larawan o mukha ng isang bansa. Ito ang naglalarawan sa kultura at pamumuhay ng mga tao sa panahong nailathala ang panitikan.

Para sa karagdagang impormasyon:

brainly.ph/question/18271

brainly.ph/question/572400

brainly.ph/question/1954726


Comments

Popular posts from this blog

Paki Comment Po Ng Reaksyon Nyo 2-3 Sentences Thankyouu, Tekstong Persweysib, Pagsusuri: Suriing Mabuti Ang Sitwasyon Sa Ibaba., Anong Paraan Ang Maar

Wha Are The 3 Types Of Carbohydrates?