Ano Ang Kakulangan Ipaliwanag,
Ano ang kakulangan ipaliwanag
Ang kakulangan(shortage) ay nangyayari kapag hindi na sapat ang supply ng isang produkto. 'Di tulad ng kakapusan na umaabot ng libong taon bago mapalitan ang nauubos na supply, ang kakulangan naman ay pansamantala lamang na suliranin sa ekonomiya. Sa pagkakaroon ng kakulangan, maaring magawan pa ito ng paraan ng tao. Ang karaniwang kakulangan na nararanasan ng mga tao ay ang kakulangan sa produktong nakakain. Katulad na lamang ng kakulangan sa bigas. Karaniwan itong nangyayari kapag may nangyayaring kalamidad tulad ng El Niño at El Niña, bagyo, pananalakay ng peste at iba pa.
Comments
Post a Comment