Ano Ang Interbensiyon
Ano ang interbensiyon
Ang interbensiyon ay isang programa upang malutas ang isang suliranin na kinahaharap ng isang organisasyon o bansa.
Halimbawa ng Interbesiyon
Sitwasyon:
Ang mag-aaral ni Gng. Cruz ay nakararanas ng mababang antas ng pang-unawa sa lahat ng babasahin sa wikang Ingles. Ang ilan dito ay hindi pa marunong bumasa.
Interbensiyon:
Gumawa si Gng. Cruz ng isang programa upang mapataas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa wikang Ingles. Naglalaan siya ng dalawang oras araw-araw upang magpakilala ng mga bagong salita o bokabularyo sa wikang Ingles na matatagpuaan sa mga aklat ng mga mag-aaral. Tinutulungan din niya ang mga hindi pa marunong bumasa sa wikang Ingles. At tuwing Biyernes ay naghahanda siya ng pagsusulit ng lahat ng napag-aralan sa wikang Ingles upang makita ang pagbabagong nagaganap sa kakayahan ng mga mag-aaral.
Para sa karagdagang impormasyon:
Comments
Post a Comment